^

Metro

2 holdaper timbog sa QC

Ricky T. Tulipat/Ma. Juneah Del Valle - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Timbog ang dalawang lalaki makaraang manghol­dap ng humigit kumulang sa P40,000.00 at mga ari-arian ng dalawang pasakay na pa­sahero ng tricycle kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang mga suspect na sina Geronimo Manliclic, 20, ng Da­ mata St., Blk 1, Brgy. Tonsuya, Malabon City at Mauricio Sepe, 18 ay kinilala ng mga biktimang sina Mavielle Mary Santiago, 20 at Mark Chris­ tian Gatchalian, 23, call center agent na pawang mga residente ng 92-E Balingasa St., Brgy. Balingasa, Quezon City.

Nangyari ang insidente ganap na 11:15 ng gabi sa Balintawak Market sa natu­rang lungsod.

Bago nito, pasakay na sana ng tricycle sina Santiago at Gatchalian sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang mga suspect at biglang nagdeklara ng holdap.

Nalimas sa mga biktima ang isang shoulder bag na naglalaman ng LG cellphone Optimus black (P12,000.00), wallet na may lamang P900.00, wristwatch gold pla­ted na (P1,900.00), ID book, damit, payong, LG cellphone nexus (P24,00.00), wallet na may lamang P1,200.00 at BPI ATM card.

Matapos nito ay dali-daling tumakas ang mga suspect dala ang mga nasabing gamit at pera.

Tiyempo namang nagpapatrulya sina PO1’s Alejandro Lee at Audrey Vidanes ng Police Station 1 sa lugar at nang makita ng mga biktima ay agad silang humingi ng tulong sa mga ito.

Dahil dito, agad na hinabol ng mga pulis ang mga suspect hanggang sa maaresto saka narekober ang mga nasabing gamit.

ALEJANDRO LEE

AUDREY VIDANES

BALINTAWAK MARKET

BRGY

E BALINGASA ST.

GATCHALIAN

GERONIMO MANLICLIC

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with