MANILA, Philippines - Nasawi ang isang batang babae makaraang tamaan ng ligaw na bala sa isang insidente ng pamamaril sa Taguig City kahapon ng umaga.
Sa inisyal na ulat na ipinadala ng Southern Police District (SPD), nakilala ang biktima na si Kim Aquino, 6, residente ng Samama Road, Brgy. Napindan, ng naturang lungsod na tinamaan sa dibdib.
Isang alyas Boy PagkaÂliÂnawan naman ang itinuturong namaril dakong alas-10 ng umaga ngunit bigo na maÂaresto ng pulisya ng Taguig. Isinugod sa Rizal Medical Center sa Pasig City ang bata ngunit hindi na umabot ng buhayÂ.
Hindi naman makapag bigay ng detalye si Taguig Police chief, Sr. Supt. Arthur Asis at sa halip ay sinabi nitong ipiÂnauubaya na niya ang pagsisiyasat sa kaso sa Women and Children’s Pro tection Desk (WCPD).
Sa pahayag naman ni PO1 Arlene Monaya ng Police Community Precinct ng NaÂpindan Road, tinamaan lamang umano ng ligaw na bala ang bata nang mamaril ang suspect na si Pagkalinawan na hindi naman nadakip ng mga pulis.