MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na estudÂyante ng Ateneo de Manila University (AdMU) ang panibagong biktima ng kilabot na Dugo-Dugo gang matapos makumbinsi ang una na ibigay sa mga huli ang aabot sa P3 milyong halaga ng pera at gamit ng kanilang pamilya sa lungsod Quezon.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Maria Lovely Menguito, residente ng Brgy. Immaculate Concepcion, sa lungsod.
Ayon kay Menguito, estudyante sa Philosophy ng AdMU, nagawang makuha sa kanya ng mga suspect ang isang Omega watch (P1 million); IWC watch (P1 million); dalawang Rolex watches (P700,000); isang diamond ring (P250,000); IPhone (P30,000); isang Lacoste bag (P40,000); isang gold bracelet; at dalawang piraso ng diamond bracelets.
Sinabi ng biktima, nasa loob siya ng kanilang bahay nang isang babae ang tumaÂwag sa kanilang telepono ganap na alas - 5:30 ng hapon.
Dito ay sinabihan siya ng babaeng caller na ang kanyang nanay ay nasangkot sa vehicular accident.
Sinabihan umano ang biktima ng babae na ang kanyang nanay at iba pang tao ang nasugatan at ginagamot na sa ospital. Hindi na rin anya maaring makapagsalita ng kanyang nanay sa telepono dahil sa sugat na natamo nito.
Dahil dito, nagawang makumbinsi ng babae si Menguito para kunin niya ang mga gamit sa bahay dahil kailangang- kailangan na umano ito ng kanyang nanay sa ospital, gaÂyundin ang iba pang sugatan.
Agad na nagtungo si Menguito sa master’s bedroom kung saan niya sinimulang kunin ang mga nasabing gamit ng kanyang mga magulang.
Mula rito ay inutusan ang biktima ng suspect na magpunta sa Heritage Hotel sa Pasay City kung saan niya iniabot ang items sa isang lalaki.
Subalit, pagkabalik ni Menguito sa kanilang bahay, nagulat na lang siya nang maÂlaman mula sa kanyang nanay na hindi siya nasangkot sa anumang aksidente.