^

Metro

Coed nabiktima ng ‘Dugo-dugo gang’

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na estud­yante ng Ateneo de Manila University (AdMU) ang panibagong biktima ng kilabot na Dugo-Dugo gang matapos makumbinsi ang una na ibigay sa mga huli ang aabot sa P3 milyong halaga ng pera at gamit ng kanilang pamilya sa lungsod Quezon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Maria Lovely Menguito, residente ng Brgy. Immaculate Concepcion, sa lungsod.

Ayon kay Menguito, estudyante sa Philosophy ng AdMU, nagawang makuha sa kanya ng mga suspect ang isang Omega watch (P1 million); IWC watch (P1 million); dalawang Rolex watches (P700,000); isang diamond ring (P250,000); IPhone (P30,000); isang Lacoste bag (P40,000); isang gold bracelet; at dalawang piraso ng diamond bracelets.

 Sinabi ng biktima, nasa loob siya ng kanilang bahay nang isang babae ang tuma­wag sa kanilang telepono ganap na alas - 5:30 ng hapon.

Dito ay sinabihan siya ng babaeng caller na ang kanyang nanay ay nasangkot sa vehicular accident.

Sinabihan umano ang biktima ng babae na ang kanyang nanay at iba pang tao ang nasugatan at ginagamot na sa ospital. Hindi na rin anya maaring makapagsalita ng kanyang nanay sa telepono dahil sa sugat na natamo nito.

Dahil dito, nagawang makumbinsi ng babae si Menguito para kunin niya ang mga gamit sa bahay dahil kailangang- kailangan na umano ito ng kanyang nanay sa ospital, ga­yundin ang iba pang sugatan.

Agad na nagtungo si Menguito sa master’s bedroom kung saan niya sinimulang kunin ang mga nasabing gamit ng kanyang mga magulang.

Mula rito ay inutusan ang biktima ng suspect na magpunta sa Heritage Hotel sa Pasay City kung saan niya iniabot ang items sa isang lalaki.

Subalit, pagkabalik ni Menguito sa kanilang bahay, nagulat na lang siya nang ma­laman mula sa kanyang nanay na hindi siya nasangkot sa anumang aksidente.

vuukle comment

ATENEO

AYON

HERITAGE HOTEL

IMMACULATE CONCEPCION

ISANG

MANILA UNIVERSITY

MARIA LOVELY MENGUITO

MENGUITO

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with