^

Metro

Kandidatong chairman, itinumba sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad na tatakbong chairman sa nalalapit na barangay elections­ ang pinaniniwala­ang itinumba sa isang gun-for-hire na nagkunwaring pasahero sa ipinapasadang tricycle ng una sa Tondo, Maynila, kahapon ng tanghali.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rainier Natividad, 34, ng Malabon St., Sta. Cruz, Maynila, tricycle driver,  at incumbent first kagawad ng  Brgy. 337,  Zone 34.

Inilarawan naman ang suspect na nasa edad na 30 hanggang 35, nakasuot ng itim na t-shirt at puting  short pants.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo, dakong alas-11:15 ng tanghali  nang maganap ang nasabing krimen sa Herrera St., malapit sa panulukan ng Yakal sa Tondo, Maynila.

Batay sa nakuhang salaysay sa mga saksi, habang nasa pilahan sila ng tricycle sa panulukan ng Malabon at Oroquieta Sts., nagtanong umano ang suspect kung magkano ang pasahe kung pahahatid siya sa Herrera st. (dating Camarines St.).

Tumawad pa umano ang suspect na kung pwede ay P30  na lang subalit sa halip na sumakay nang magka­sundo sa presyo, nagsabi ito na maya-maya na lang at umupo sa bangketa bago nag-text nang nag-text sa loob ng  halos isang oras.

Nang mamataan na umano si Natividad ay su­­ma­kay na ang suspect  at nagpahatid sa nasabing lugar.

Naibaba pa umano ng biktima ang suspect at doon na siya pinagbabaril nang malapitan habang naka­talikod na tumama sa braso, likod, tagiliran at sa puso.

Isinugod naman ng ka­samahang tricycle driver ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) kung saan hindi na umabot pang buhay.

Sa pahayag ng nakata­tandang kapatid  na si Raymond Natividad sinabi nitong, “Wala naman siyang kaaway. Totoo na tatakbo siyang chairman. Kawawa naman ang mga anak niya, tatlo na puro maliliit pa.”

Matatandaang noong madaling-araw ng Mayo 26, 2013 nang mapatay ma­tapos pagbabarilin ng anim na beses ang tatakbo sanang chairman na si Domingo Ramirez Jr., 51, retired Phi­lip­pine Coast Guard (PCG),  residente ng Row 2, Unit 910,  Block 6 Habitat,  Baseco Compound, Port  Area, Maynila, sa tapat ng kanyang bahay.  

 

BASECO COMPOUND

CAMARINES ST.

COAST GUARD

DOMINGO RAMIREZ JR.

HERRERA ST.

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with