^

Metro

2 kolumnista utas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang ko­lumnista ng isang paha­yagang tabloid makaraang ratratin ng riding-in-tandem, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ni SPO1 Pascual Fabreag, may hawak ng kaso, ang mga bik­timang sina Bonifacio Loreto Jr., 47, publisher ng Aksyon Nga­yon, residente ng MRB Brgy. Commonwealth at si Richard Kho, 59, executive editor ng nabanggit na pahayagan at nakatira sa  BF Homes, Brgy. Holy Spirit.

Mabilis namang pumuga ang mga hindi pa nakiki­lalang suspect na ang isa ay nakasuot ng puting t-shirt at shorts, may suot na puting bull cap at may taas 5’3’’ hanggang 5’5’’ talampakan samantalang ang isa naman ay nakasuot ng itim na jacket at shorts, may suot na itim na bull cap.

Nangyari ang insidente ganap na alas-11:30 ng gabi sa tapat ng sari-sari store ni Loreto sa kahabaan ng Pilot Drive malapit sa Rotary School, Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Ayon sa saksing si Rey Moreno, nagkakatuwaan sila ng mga biktima ng mga oras na iyon nang biglang duma­ting ang mga armadong suspect at walang habas nilang pinaulanan ng bala ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanilang mga katawan.

Nagawa namang makaligtas ni Moreno makaraang magkunwaring patay kung kaya matapos nito ay dali-daling tumakbo ang mga suspect papatakas.

Agad na rumesponde ang Scene of the Crime Ope­rations (SOCO) team at narekober sa lugar ang apat na basyo ng bala ng kal. 45, isang fire bullet nito at tatlong basyo ng bala ng cal. 9mm.

Samantala, ayon sa ka­anak ng biktima, posibleng may kinalaman ang pamamaslang sa mga biktima sa kanyang trabaho, bagay na tinututukan ngayon ng awtoridad sa kanilang pagsisiyasat.

AKSYON NGA

BONIFACIO LORETO JR.

BRGY

HOLY SPIRIT

PASCUAL FABREAG

QUEZON CITY

REY MORENO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with