MANILA, Philippines - Upang mapaigting pa ang pagpapatupad ng anti-criminality campaign, sinisimulan na ng lungsod ng Maynila ang pagbuhay sa bike patrol.
Sa kanyang pagbisita sa Manila Police District (MPD), maÂlugod na tinanggap nina Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada at MPD director Chief Supt. Isagani Genabe ang may 25 bisikleta na ipamamahagi sa mga police station. Ang mga nasabing bisikleta ay mula sa grupo ng non-government organizations.
Ayon kay Estrada, ang 25 bisikleta ay gagamitin ng bike patrol at tourist police sa kanilang visibility campaign.
Kasabay nito, nasa 20 piraso naman ng iba’t ibang uri ng baril na nakumpiska ang iprinisinta kay Estrada mula sa ilang indibiduwal na nakatakdang sampahan ng kasong illegal possession.
Matatandaan na layunin ni Estrada na maibalik ang pagiging Manila’s Finest ng MPD.
Ikinatuwa naman ng alkalde ang pagiging masigasig ng pulisya sa kanilang kampanya laban sa mga kriminal sa lungsod at sinabing buo ang suporta sa peace and order ng MPD.