^

Metro

Balasahan sa QCPD, ipapatupad

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng mala­wakang balasahan ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD), partikular sa mga hepe ng bawat istasyon nito na hindi tumutupad sa kanilang serbisyo para masawata ang krimen sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay QCPD director Police Chief Supt. Richard Albano, ang balasahan ay isa­sakatuparan sa mga susunod na araw, makaraan ang isasagawang pag-aaral sa mga evaluation report na isusumite ng bawat hepe ng istasyon ng pulisya.

Ang QCPD ay mayroong 12 police station na ayon kay Albano ay nangangaila­ngan ng malaking pagbabago patungkol sa pagsawata sa krimen.

Sabi ni Albano, makikita umano nila sa evaluation report na isusumite ng bawat hepe ng pulisya kung ano ang nagawa nila sa kanilang pwesto at kung sila ay hindi nagpe-perform.

“Kasi kung non-performing officer ka, aalisin natin sa main stream ng pagkapulis, dahil baka mas epektibo ka rito sa main staff, in light manner ’yung mga staff, kung maga­ling naman sila ay baka puwede sa pagka-chief of police,” dagdag ni Albano.

Gayunman, kung maganda naman ang performance ng hepe, pero mahina naman ito sa pagsugpo ng krimen sa kanyang nasasakupan ay makakatiyak na ito sa re­shuffle.

 

ALBANO

AYON

GAYUNMAN

KASI

MAGSASAGAWA

POLICE CHIEF SUPT

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICHARD ALBANO

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with