MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang menor-de-edad ng kanyang kainuman, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot pang buhay sa Mary Johnston Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa tiyan ng biktimang si Mark Derly Lorbes, 17, out-of-school youth, ng Block 5, Lot 2, Sitio Damayan, Smokey Mountain, Tondo, Maynila.
Tinutugis na ang suspect na kinilala sa alyas na Edmond, 18, ng Blk. 1 ng nasabi ding lugar.
Sa ulat ni PO3 Crispino Ocampo ng MPD-Homicide Section dakong alas-8:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspect.
Bago ang insidente, nag-iinuman umano ang biktima, suspect at dalawa pang sina alyas “Jayson†at “Buboyâ€.
Nagawa pa umanong utusan ng nasawi ang nakababatang kapatid na si Kenneth na bumili ng ice tube sa tindahan at hindi pa man umano nakalalayo ay nakarinig na ito ng putok ng baril kaya agad siyang bumalik sa bahay ng suspect kung saan nakita niyang duguan na ang kuya na nakahandusay sa sahig. Hindi na niya inabutan ang tatlong kainuman ng utol. Mabilis namang dinala ni Kenneth sa pagamutan ang kuya kung saan idineklarang dead-on-arrival.
Patuloy pang inaalam ang motibo at kung anong baril ang ginamit ng suspect.