Bangkay sa Marikina River, pinapak ng mga isda

MANILA, Philippines - Natagpuang pinapapak ng mga isda ang isang bang­kay ng lalaki na nadiskubreng palutang-lutang sa ilog ng Marikina na sakop ng Bgy. Santolan sa Pasig City kahapon ng madaling- araw.

Ang biktima ay inilara­wang may taas na 5’4”, nakasuot ng kulay itim na t-shirt at brown na pantalon.

Pinaniniwalaang ilang araw nang nakababad sa ilog ang bangkay bago natagpuan dahil bloated na ang katawan nito, sanhi upang papakin na ito ng mga isda.

Batay sa ulat ni PO3 Edu­ardo Pablo, imbestigador ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Pasig City Police, dakong alas-5:00 ng madaling-araw nang matagpuan ang biktima na palutang-lutang sa ilog ng isang Gilbert Barria.

Nangingisda umano si Barria nang mapansin ang bangkay na pinagkukumpulan ng mga isda.

Kaagad umanong tumawag ng mga miyembro ng Barangay Security Force (BSF) si Barria upang ipagbigay-alam ang pagkakadiskubre sa bangkay.

Inaalam na ng mga aw­toridad ang sanhi nang pag­kamatay ng biktima

Show comments