Kelot na sangkot sa nakawan, itinumba

MANILA, Philippines - Isang lalaki na sinasabing sangkot sa serye ng nakawan ang natagpuang  patay matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspect kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Kinilala ang nasawi na  si Arnold A. Co, 31, ng Cristina Street, Brgy. Panghulo, ng naturang siyudad.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang makita ang naka­bulagtang biktima sa kalsada sa naturang lugar. Kung kaya’t ka­agad nilang ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya ang insidente.

 Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay may tama ng bala sa mukha at kaliwang braso na naging sanhi nang agarang kamatayan nito.

 Pinuntahan ng mga pulis  ang bahay ng biktima at base sa pahayag ng amang si Oscar R. Co, 52, ang kanyang anak na si Arnold Co ay nasangkot sa mga nangyayaring nakawan sa lungsod.

 

Show comments