Traffic summit - giit ni Bistek
MANILA, Philippines - Niliwanag ni Quezon City Mayor Herbert “Bistek†Bautista na hindi nakonsulta ng Manila government ang kanyang tanggapan kaugnay ng ipinatutupad ng bus ban sa Maynila.
Kasabay nito, iginiit ni Bautista na napapanahon na umano para magsagawa ng traffic summit sa buong Metro Manila para mapag-usapan kung ano ang makakabuti sa magkakabilang panig kasama na rito ang masolusyunan ang problema sa matinding trapik.
Sinabi ni Bautista, na siya ding Pangulo ng League of Cities na kung nakausap man lamang sila sa naturang hakbang bago maipatupad, makakagawa agad ang lokal na pamahalaan ng mga kaukulang hakbang upang hindi sana naapektuhan laluna na ang mga mag-aaral at manggagawa ang lubhang nahihirapan sa pagpasok sa Maynila laluna ang mga matatanda at may mga kapansanan.
Bunga ng bus ban, ang Quezon City ang siyang naapektuhan ng trapik dahil sa pag-iikutan ng mga bus na hindi pinapapasok sa Maynila.
“Maybe napapanahon na para sa isang traffic summit,â€pahayag ni Bautista.
Binigyang diin pa ng Alkalde na pinag-aaralan ngayon ng local na pamahalaan na makapagpatupad ng re-routing sa may Welcome Rotunda at mga alternate routes upang hindi tumindi ang daloy ng trapiko dito.
- Latest