Dumayo sa kapitbahay, saka nagpakamatay
MANILA, Philippines - Dumayo pa sa kapitbahay ang isang binata at doon isinagawa ang kanyang pagpapatiwakal matapos damÂdamin ang pakikipagkalas ng kanyang nobya sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.
Dead on arrival sa Valenzuela GeÂneral Hospital si Gervy Marcelo, 20, residente ng Brgy. Coloong 1 ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Valenzuela City Police, dakong alas-6:00 ng gabi nang makita ni Patrick Anicito na nakabigti ng nylon cord sa kanilang bahay si Marcelo sa nabanggit na lugar kung kaya’t agad niya itong kinalag at dali-daling isinugod sa naturang ospital ang biktima bago sinabihan ang mga kaanak ni Marcelo sa insidente.
Nabatid sa pulisya, na kinalasan ng kanyang nobya ang biktima na naÂging dahilan upang labis nitong damÂdamin kaya ito nagpatiwakal.
- Latest