^

Metro

Sa kabila ng mga reklamo at batikos bus ban sa Maynila, mananatili

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagama’t kabi-kabila ang mga reklamo, tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Maynila na  tuluy-tuloy ang  implemen­tasyon ng pagbabawal sa pagpasok ng mga provincial at city bus sa lungsod.

Ayon kay Manila Vice Mayor­ Isko Moreno, isa lamang ito sa mga paraan upang mabawasan ang problema sa trapiko, gayundin ang mga pagsugpo sa nag­lipanang mga kolorum. Mas makabubuti aniyang su­munod na lamang ang mga ito sa ordi­nansa dahil mas marami ang makikinabang sa kanilang ipinatutupad na  batas.

Batay sa Resolution No. 48 na inakda ni  Manila 3rd District Councilor Letlet Zarcal, bawal ng pumasok sa Maynila ang mga provincial at city bus na walang  existing terminal.

Paliwanag ni Moreno, pa­nahon na upang maipatupad ang matagal nang ordinansa lalo pa’t mas marami ngayon ang tao at commuters.

Gayunman, hindi naman maaaring magsakay o magbaba ang mga ito sa anumang lugar sa lungsod kundi maging sa kanilang terminal lamang.

Ilan sa mga lugar na  pi­nanggagalingan ng mga bus ay Quezon City, San Juan, Makati  at Cavite.

Samantala, dudulog sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang samahan ng mga bus operator na biyaheng Fairview-Baclaran.

Ayon kay Edgardo Meneses, presidente ng Fairview-Quiapo-Baclaran Bus Operators Association, dapat mas manaig ang isinasaad ng kanilang prangkisa na nagpapahintulot ng biyaheng mula Fairview hanggang sa Pasay City.

Tahasang sinabi ni Mene­ses na pinagkakaitan ng city government ng Maynila ang mga tsuper na kumita at mga pasahero na makapagbiyahe nang malaya sa lungsod.

Giit ni Meneses, sa ipinatawag na meeting ni Moreno noong Hulyo 11, ang inilatag lamang na agenda sa kanila ay ang matinding traffic sa Maynila. Nauwi naman ito sa pagbabawal sa kanila na pumasok sa lungsod na mariin nilang tinutulan.

 

AYON

DISTRICT COUNCILOR LETLET ZARCAL

EDGARDO MENESES

FAIRVIEW-QUIAPO-BACLARAN BUS OPERATORS ASSOCIATION

ISKO MORENO

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with