MANILA, Philippines - Isang holdaper at isang pasahero ang sugatan makaraang tangkain ng una kasama ang isa pa na manlaban sa isang pulis na rumesponde sa panghoholdap nila sa isang pampasaherong bus sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang sugatang suspect na si Mark Charlie Ang, 18, ng Sitio San Roque, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.
Habang ang sugatang pasahero ay si Jonnafe Lazano, 26, ng Brgy. Malinta Valenzuela City. Tinutugis naman ng awtoridad ang isa pang suspect na nakilalang si Gerry Bisaya na mabilis na nakaÂtakas makaraan ang insidente.
Nangyari ang insidente ganap na alas-10:30 ng gabi sa loob ng Pamana Transport Service Inc. bus (TXM-772) sa tapat ng Manila Seedling Bank sa kahabaan ng EDSA cor. Quezon Avenue, Brgy. Bagong Pag-asa.
Sumakay umano sa naturang bus na minamaneho ni Renato Tomarao ang mga suspect at agad na nagdeklara ng hold-up. Tinutukan ng mga suspect ng patalim ang mga pasahero at kinuha ang pera at personal na gamit ng mga ito.
Sabi pa ni Diva, sakay din sa nasabing bus si PO1 Frankie San Pedro, nakadestino sa Valenzuela Police Station at agad na naglabas ng baril para arestuhin ang mga suspect.
Ngunit agad ding naglabas ng baril si Bisaya at akmang itinutok kay San Pedro na maÂÂbilis na pinaputukan ng huli ang una, pero nagmintis at ang tinamaan ay si Ang. Dali-daling tumakas ang mga suspect pero muling biÂnaril ni San Pedro si Ang sa binti saka agad na inaresto.
Sa pagsisiyasat, napag-alaman ng awtoridad na maÂging si Lazano ay tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang braso dahil sa putukan.