MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng Pasay City Police ang dalawang lalaki na itinuturong dumukot at nanggahasa sa isang 15-anyos na dalagita matapos na matukoy ang sinakyan nilang taxi, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.
Nakilala ang mga suspek na sina Edgar Deguilla, 42, at Don Quares, 36, kapwa ng Pasay City.
Positibong itinuro ang mga ito ng 3rd year high school na biktima na itinago sa pangalang Jane.
Sa imbestigasyon ng Women and Children’s Protection Desk ng Pasay police, dakong alas-12 ng Sabado ng tanghali nang harangin at dukutin umano ng dalawang suspek ang biktima sa may Taft Avenue.
Sinabi ni Jane na nagtangka siyang pumalag ngunit siÂnuntokÂÂÂ siya sa sikmura habang sinampal naman siya ng isa pa at puwersahang kinaladkad papasok sa loob ng taxi.
Halinhinan umanong hinalay ng mga suspect ang dalagita sa loob ng taxi sa hindi mabatid na lugar. Nang makaraos, pinababa siya ng mga ito sa may C. Raymundo St. sa Pasig City malapit sa isang gasolinahan.
Agad namang siyang huÂmingi ng tulong at nakontak ang mga magulang na sumundo sa kanya.
Habang patungo naman sa pagamutan sa Pasay, maÂsuwerteng nakita at nakilala ng biktima ang El Pueblo taxi na may plakang TYF-399 sa kahabaan ng Libertad St. at nakita ang dalawang suspek na sakay nito.
Agad namang nagsagawa ng manhunt operation ang Pasay Police na naging daan upang matunton ang suspek na si Deguilla habang sunod na naaresto si Quares.