Barker utas sa Pangulo ng jeepney association
MANILA, Philippines - Isang barker ang nasawi makaraang saksakin ng PaÂngulo ng isang asosasyon ng jeepney sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Kinilala ang biktima na si Jornel Montemayor, 36, residente ng Tala, Caloocan City.
Si Montemayor ay nasawi maÂtapos ang insidente ng pananaksak sa may terminal ng jeepney na matatagpuan sa Regalado Avenue malapit sa Quirino Hi-way, Brgy. Greater Lagro.
Ang biktima ay nagtamo ng mga saksak sa katawan at naitakbo pa sa San LoÂrenzo Hospital pero binawian din ng buhay ganap na ala-1:45 ng hapon.
Nakilala naman ng ilang testigo ang suspect na si Virgilio Begube, presidente ng bagong tayong TAGADO, isang organisasyon ng mga drivers at operators ng jeepneys na may rutang Tala-Novaliches.
Nabatid sa mga testigo na bago ang inÂsidente ay nagtalo umano ang daÂlawa makaraang lapitan ng barker ang suspect dahil sa pagÂlabag sa ipinapatupad na patakaran sa terminal.
Ang nasabing isyu ang naging ugat para mauwi sa pagtatalo hanggang sa pagsusuntukan ng dalawa.
Sa kainitan ng suntukan, nagbunot ng patalim ang suspect at sinimulang pagsasaksakin ang biktima.
Nang bumuwal sa lapag si Montemayor, agad na sumakay si Begube sa kanyang jeepney saka umalis sa lugar.
- Latest