MANILA, Philippines - Bahagyang nagkaroon ng kalituhan sa pagsisiÂmula ng implementasyon ng ordinansa kung saan ipinagbabaÂwal ang provincial at city bus na walang existing terminal na pumasok sa lungsod ng Maynila.
Kahapon ay personal na pinangasiwaan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang pagharang sa may 40 bus na galing Fairview at pinaikot sa Welcome Rotonda.
Umarkila naman ng mga pampasaherong jeep ang city government na sumalo sa mga pasahero na papasok at magtatrabaho sa Maynila.
Ayon kay Moreno, alam ng mga operators ang kanilang gagawing pagpaÂpatupad ng Resolution No. 48. Aniya, ang lahat ng mga operators ay sumang-ayon sa ordinansa kung kaya’t nakakapagtaka na umaÂangal ang ilang mga drivers.
Binigyan muna ng warning ni Moreno ang mga bus drivers kung saan sinabi nito na huhulihin na sila sa susunod na paglabag.
Paliwanag ni Moreno, layon ng kanilang ipinatuÂtupad na RN-48 na maÂibsan ang trapik, gayundin ang paghuli sa mga koÂlorum bus na nag-ooperate sa Maynila.
Mariin ang paalala ni Moreno na mahigpit na ipatutupad ang ordinansa upang mabigyan ng diÂsiplina ang mga bus driverÂ, gayundin ang mga commuterÂ.
Kasabay nito, layon din aniya ng city government na ipatupad ang proÂyektong ‘green transporÂtation’ kung saan papasada ang electric bus sa loob lamang ng Maynila.
Magsisilbing tagasalo ang electric bus ng mga pasahero na manggagaling sa south, north at eastern part ng Metro Manila. May rutang Vito Cruz-Lawton; Lawton-Anda Circle-Vito Cruz at Lawton Intramuros-Vito Cruz.
Aabot sa 50 electric bus ang inaasahang papasada sa lungsod.