Ex-Gapan Mayor binasahan ng sakdal sa ambulansya

MANILA, Philippines - Not guilty plea ang ipinasok ni dating Gapan, Nueva Ecija Mayor Ernesto Natividad sa kasong multiple murder na kanyang kinahaharap sa Branch 10, ng Manila Regional Trial Court, kahapon ng umaga.

Gayunman, kakaibang arraignment ang nasaksihan dahil sa halip na sa loob ng hukuman isagawa, sa garahe ito ng Manila City Hall, kung saan nakaparada ang sina­sakyang ambulansya ng dating mayor. Doon binasahan ng sakdal si Natividad.

Binigyang konsiderasyon ng korte ang kondisyon ng dating alkalde na kasalukuyang may karamdaman at hindi nito kayang umakyat sa hagdanan patungo sa Manila RTC Branch 10 kaya si Judge Virgilio Alameda na lamang ang bumaba.

Nakahiga sa stretcher sa loob ng ambulansya si Natividad nang isagawa ang arraigment.

Hiniling din nito na payagan siyang mailipat ng ospital mula sa Philippine General Hospital kung saan siya ngayon naka-confine.

Si Natividad ang itinutu­rong utak ng pagpatay sa limang magkakamag-anak ng kanyang kalaban sa pulitika sa loob ng isang sabungan sa bayan ng Gapan noong taong 2006.

Muling itinakda ng korte ang pagdinig sa Oktubre 7 ng taong kasalukuyan.

 

Show comments