MANILA, Philippines - Ipatutupad ng pamunuan ng Manila North Cemetery ang ID System kung saan maÂÂpagkakalooban ang maÂhigit 5,000 residente at careÂtakers sa loob ng naturang kampo santo upang makilala ang mga lehitimong mamamayan na naninirahan doon.
Ayon kay MNC Director Rafael “Raffy†Mendez, layon ng pagpapatupad ng ID System na mapabilis na ma-trace ang mga tao na naninirahan sa loob ng sementeryo lalo na ang mga maliligaw na masasamang loob o “wanted person†na ginagawang taguan ang naturang lugar.
“Mabilis naming mate-trace ang pagkakakilanlan ng mga residente at caretaÂkers dito sa MNC kapag naÂiÂpatupad na ang ID System lalo na ang mga may kaso na nagtatago dito dahil isa sa mga requirements namin bago kumuha ng ID ay ang kanilang police clearance at barangay clearance.†ani Mendez.
Iginiit ni Mendez na libre na ipamamahagi ang ID sa mga residente at caretakers sa loob ng MNC. Kasabay nito, sinimulan na ding lagyan ang mga nitso ng nuÂmero sa mga “Apartment style†ng naturang kampo santo na siyang magsisilbing “number address†upang mas mabilis na mahanap ng mga kaanak ang kanilang puntod.
Samantala, aminado si Mendez na matatagalan ang pagpapa-computerize ng listahan ng mga pangalan na nakalibing sa MNC dahil sa kakulangan ng computer nguÂnit sinigurado naman nila na isang buwan bago ipagÂdiwang ang Undas ay matatapos na nila ito.
“Sumulat na kami sa lokal na pamahalaan upang mapagkalooban pa kami ng dalawa pang sets ng computers dito sa aming opisina upang mapabilis ang proyekto naming computeÂrization,†dagdag pa ni Mendez.