^

Metro

Nagpanggap na taga CHR, pulis timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasampahan ng kasong usurpation of authority ang isang pulis  na nagpanggap at nagpakilalang miyembro ng Commission on Human Rights (CHR) nang magtungo ito sa burol ng napatay na  Ozamis group leader na si Ricky Cadavero sa Muntilupa City. Kinilala ang suspect na nadakip na  si PO3 Richard Ecleo Ebrada, nakatalaga sa counter-intelligence ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Rosalinda, kapatid ni Ricky, nagtungo si PO3 Ebrada  noong Biyernes ng gabi sa burol sa may  Eastern Funeral Parlor, Brgy. Alabang, Muntinlupa City upang makausap ang kanyang ina na si Gng. Luzviminda, ngunit tinanggihan  ito dahil wala ng boses.

Sa kabila  nito ay hinarap din ni Rosalinda ang pulis, ngunit nagtaka ito dahil mayroon nang taga-CHR sa burol ng kapatid na maaaring magsagawa na makapanayam ang sinuman sa kanilang pamilya kaya’t hiningan nila ng ID ang pulis ngunit walang maipakita.

Sinabi ni Ferdinand Lavin, tagapagsalita ng Task Force Cadavero, kaduda-duda ang pagtungo ni Ebrada sa burol ni Cadavero lalo’t walang maipakitang police ID o anumang pagkakakilanlan nito. Kahina-hinala rin ang ginawa nitong paghingi ng contact number ng pamilya gayong hindi pa siya nagpapakilala. Agad itong naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI).

Napag-alaman  na inutusan umano si P03 Ebrada na kunin ang mga numero ng kaanak ni Cadavero dahil gusto nilang malaman kung sinu-sinong pulis ang sangkot sa paratang ng pamilya nito.

Samantala, hindi nagbigay ng anumang pahayag sa CHR, NBI at Muntinlupa Police si P03 Ebrada.

Kasunod nito, nangangamba ang pamilya Cadavero sa kanilang buhay, kung kaya’t   hiniling nila kay Justice Sec. Leila De Lima na higpitan pa ang kanilang seguridad upang matukoy ang mga opisyal ng PNP na nakikinabang sa Ozamis gang.

Mula sa Muntinlupa City dakong  alas-2:00 kahapon ng madaling-araw ay iniuwi na sa General Santos ang labi ni Cadavero pero wala pang petsa ang araw ng libing nito.

vuukle comment

CADAVERO

EASTERN FUNERAL PARLOR

EBRADA

FERDINAND LAVIN

GENERAL SANTOS

HUMAN RIGHTS

JUSTICE SEC

LEILA DE LIMA

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with