MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisÂyon ang isang 10-anyos na batang lalaki nang tamaan ng ligaw na bala mula sa nagraÂrambulang grupo ng kabataan sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.
Ginagamot sa Tala Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Gabriel Valero, ng Melchora Aquino St., Camarin ng naÂturang lungsod.
Nadakip naman ng pulisya ang suspect sa pamamaril na si Arturo Espanyol, 18, ng BoÂnÂiÂÂfacio St., ng naturang lugar.
Batay sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon sa Melchora Aquino St., Camarin ng naturang lungsod.
Nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng grupo ng susÂpect at kalabang grupo. Habang nagrarambulan ay nagpaputok ng baril si Espanyol.
Minalas na ang biktima ang tinamaan na nakatayo sa tapat ng kanilang bahay.