MANILA, Philippines - Makakaasa ng mas maÂluwag na daloy ng trapiko ang mga motorista ngayong weekend makaraang suspindihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naka-iskedyul na concrete re-blocking ng mga kontraktor ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na pito sa siyam na concrete re-blocking ang ipagpapaliban na nakaiskedyul isagawa mula Hulyo 19-Hulyo 22 upang makatulong umano sa pagpaÂpaluwag sa mga kalsada sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa Lunes.
Matatandaan na ilang beses nang sinabon ni PNoy si TolenÂtino dahil sa matinding trapiko at minsan pa itong inutusan na lumabas ng opisina at personal na magmando ng trapiko.
Inaasahan naman na tuloy ang mabigat na daloy ng trapiko sa MonuÂmento-Caloocan area dahil sa pinayagan na ipagpatuloy ang re-blocking sa EDSA-MonuÂmento Circle southbound at sa bahagi ng EDSA-MCU mula Gen. Santos Street north-bound.
“We didn’t issue permits to the seven other reÂblocking operations this weekend because we would be implementing traffic rerouting for the President’s SONA on Monday, and the road closures along Edsa might have adverse effects on traffic flow,†ani Tolentino.
Ang pahayag ng MMDA ay pagbaligtad sa unang sinabi ng DPWH na magpapatuloy ang kanilang mga pagkukumÂpuni ngayong katapusan ng linggo. Iginiit ng MMDA na kailangan munang mabigyan ng permit ang mga kontraktor ng DPWH para makapagsagawa ng pagkumpuni.
Matatandaan na ilang kagamitan din ang kinumÂpiska ng MMDA sa isang kontraktor noong nakaraang linggo dahil sa pagsasagawa ng paghuhukay sa kabila ng walang hawak na permit.