^

Metro

Re-blocking ng DPWH sa EDSA, sinuspinde ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makakaasa ng mas ma­luwag na daloy ng trapiko ang mga motorista ngayong weekend makaraang suspindihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naka-iskedyul na concrete re-blocking ng mga kontraktor ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na pito sa siyam na concrete re-blocking ang ipagpapaliban na nakaiskedyul isagawa mula Hulyo 19-Hulyo 22 upang makatulong umano sa pagpa­paluwag sa mga kalsada sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III sa Lunes.

 Matatandaan na ilang beses nang sinabon ni PNoy si Tolen­tino dahil sa matinding trapiko at minsan pa itong inutusan na lumabas ng opisina at personal na magmando ng trapiko.

Inaasahan naman na tuloy ang mabigat na daloy ng trapiko sa Monu­mento-Caloocan area dahil sa pinayagan na ipagpatuloy ang re-blocking sa EDSA-Monu­mento Circle southbound at sa bahagi ng EDSA-MCU mula Gen. Santos Street north-bound.

“We didn’t issue permits to the seven other re­blocking operations this weekend because we would be implementing traffic rerouting for the President’s SONA on Monday, and the road closures along Edsa might have adverse effects on traffic flow,” ani Tolentino.

Ang pahayag ng MMDA ay pagbaligtad sa unang sinabi ng DPWH na magpapatuloy ang kanilang mga pagkukum­puni ngayong katapusan ng linggo.  Iginiit ng MMDA na kailangan munang mabigyan ng permit ang mga kontraktor ng DPWH para makapagsagawa ng pagkumpuni.

Matatandaan na ilang kagamitan din ang kinum­piska ng MMDA sa isang kontraktor noong nakaraang linggo dahil sa pagsasagawa ng paghuhukay sa kabila ng walang hawak na permit.

vuukle comment

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

HULYO

MATATANDAAN

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MONU

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SANTOS STREET

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with