MANILA, Philippines - Arestado ang isang 63-anyos na lalaking nagÂÂpapanggap na kawani ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa umano’y pangongotong sa isang negosyante sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Kinilala ang suspect na si Carlos Pilapil, 63, ng 9th Avenue Caloocan city.
Si Pilapil ay inaresto matapos ang reklamo ng biktimang si William LuÂcero, 39, ng Brgy. West Kamias sa lungsod dahil sa umano’y pangongotong.
Sa imbestigasyon ni PO3 Nathaniel Tan ng Quezon City Police District Anonas Police Station, nag-ugat ang kaso nang magpunta ang suspect sa tindahan ni Lucero ang Wise J. Merchandise na malapit sa bahay nito, ganap na alas-3 ng hapon.
Dito ay nagpanggap umano ang suspect na kawani ng BIR at nagpakita ng memorandum order mula sa ahensya na awtorisado siyang imoÂnitor ang resibo na ginagamit ni Lucero sa kanyang establisimento.
Upang hindi na umano maistorbo si Lucero, nagÂsabi ang suspect sa kanya na “Magbigay ka na lang ng pera para di na ako bumalik†kung kaya binigyan niya ito ng P500.
Pero hindi nakuntento ang suspect sa naturang halaga at humirit pa ito ng karagdagang P500 para maging P1,000 ang bigay nito.
Matapos nito, agad na benerepika ng biktima sa tanggapan ng BIR ang pangalan ng suspect kung saan nakumpirma na hindi ito empleyado dito.
Sa puntong ito, nagpasya ang biktima na huÂmingi ng tulong sa barangay hall at ipaaresto ang naturang suspect.
Nakapiit ngayon ang suspect sa naturang himpilan sa kasong robbery extortion.