‘Tulak’ na holdaper, itinumba

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki na sangkot umano sa pang­hoholdap at pagbebenta ng droga matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspect kahapon ng madaling-araw sa Muntinlupa City.

Dead on arrival sa President Diosdado Maca­ pagal Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jowel Salazar, 35, ng DM Compound, ng naturang lungsod.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-12:10 ng mada­ling-araw sa DM Compound ng naturang lungsod habang nagroronda ang mga tanod at nadaanan ng mga ito ang nakahandusay at duguan na si Salazar na humihingi ng tulong.

Dali-dali itong isugod sa naturang ospital, suba­lit hindi na umabot nang buhay. Inamin naman ng mga kaanak ng biktima na sangkot sa holdapan at ben­tahan ng shabu ang nasawi. Inaalam na ng mga pulis kung onsehan sa hatian o droga ang dahilan upang patayin si Salazar.

 

Show comments