MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis ang agad na sinibak sa puwesto ni Chief Superintendent Marcelo Garbo, Jr., director of the NaÂtional Capital Region Police Office (NCRPO) matapos na mapuna ang kanyang hindi magandang bihis habang nagbabantay para sa preparasyon ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Noynoy Aquino
Kinilala ang pulis na si PO1 Michael Castellano nakatalaga sa Quezon City Police District-Station 7 sa Cubao.
Si Castellano ang unang nakatikim ng hambalos ni Garbo na kamaÂkailan ay nagpahayag na maghihigpit siya pagÂda ting sa physical apÂpearance ng bawat pulis sa Metro Manila.
Ayon naman kay QCPD director Chief Superintendent Richard Albano si Castellano, ay itatalaga sa NCRPO headquarters dahil sa pagkakasibak nito sa puwesto.
Sinasabing si Castellano ay kabilang sa magbabantay na grupo na itinalagang pumuwesto sa South Gate ng House of Representatives para sa SONA ni PNoy.
Sa inspeksyon, napuna ni Garbo ang baÂgitong pulis na hindi naka-ahit, maging ang kanÂyang unipormeng pang-taas ay hindi naka-butones. Sabi ni Albano, napuna din niya na tila pinapatubo ni Castellano ang kanyang bigote kaya mahaba na ito.
Sa pagbisita ni Garbo sa Camp Karingal nitong Lunes, sinabi nitong estrikto siya pagdating sa pag-uugali ng isang pulis, maging sa pagsusuot ng uniporme ng mga ito.