2 paslit sugatan sa pillbox
MANILA, Philippines - Dalawang paslit ang iniulat na nasugatan makaraang tamaan ng sumabog na pillbox na inihagis ng hindi pa kilalang suspect sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Ginagamot sa Manila Central University (MCU) Hospital ang mga biktimang sina Mary Joy Mejico, 2; at Raul Aquino, 8, kapwa taga-Bagong Barrio ng naturang lungsod.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng gabi sa General Tinio St., Bagong Barrio ng naturang siyudad.
Nabatid na naglalaro ang mga biktima sa lugar nang sumambulat ang inihagis na pillbox ng suspect.
Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente para matukoy kung sino ang responÂsable sa naturang pagpapasabog.
- Latest