‘Tulak’ itinumba ng tandem
MANILA, Philippines - Iniimbestigahan na ngaÂyon ng mga awtoridad ang ulat na posibleng may kinalaman sa pumalpak na drug deal ang daÂhilan sa pagpatay sa isang hinihinalang ‘tulak’ ng droga na umano’y pinagbaÂbaril ng mga hinihinalang miyembro ng drug syndicate sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Senior Supt. Mario Rariza Jr., hepe ng Pasig police, ang napatay na si Rodel Rejano.
Batay sa ulat ng pulisya, nabatid na dakong alas-12:15 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaslang sa Kenneth Road, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Ayon sa ulat, bago ang krimen ay nakita na lang ang biktima na tumatakbo patungo sa isang ginagawang bahay at hinahabol ng dalawang lalaking magkaÂangkas sa isang motorsiklo na walang plaka sa isang eskinita sa Kenneth Road. Nagawa umano ng biktima na magÂtago sa loob ng naturang bahay ngunit sinundan ito ng mga suspek at doon pinagbabaril.
Nang matiyak na patay na ang pakay ay mabilis na tuÂmakas patungo sa C-6 Road ang mga suspek na hiniÂhinalang mga miyembro ng drug syndicate at target na ngaÂyon ng manhunt operationÂ.
Malaki ang hinala ng mga awtoridad na away sa illegal na droga ang posibleng moÂtibo ng krimen.
- Latest