MANILA, Philippines - Magdaragdag ng puwersa ng kapulisan ang Quezon City Police District na magbabantay sa seguridad sa gagawing State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino sa Lunes sa may Batasan.
Ito ang sinabi ni QCPD Director Police Chief Supt. Richard Albano, bilang pagÂhaÂhanda sa nasabing araw buÂnga ng paniwalang dadagsa ang bilang ng mga magsasagawa ng kilos-protesta sa SONA ng pangulong Aquino.
Ayon sa heneral, kung dati anya ay may 5,000 katao ang sumali sa kilos-protesta, mas lolobo ito sa bilang na 15,000 hanggang 18,000 dulot ng pagkilos na gagawin ng mga pinatalsik na informal settlers.
“Kailangan na nating gumawa ng magandang hakbang, kasi kung sasama ang lahat ng mga naapektuhang informal settlers, mas malaki ang kailangan nating idagdag na hanay para sa seguridad. Alam naman nating sa ginagawa nilang protesta ay minsan ay nauuwi sa karahasan, ito ang kailangan nating iwasan kaya kailangan ang additional force para dito,†sabi pa ng heneral.
Gayunman, bago sumapit ang SONA, magpapatawag umano si Albano ng isang diaÂlogue sa mga lider ng grupo para pag-usapan ang mga limitasyon na dapat gawin upang mas tahimik ang kanilang gagawing kilos-protesta. Giit ni Albano, sa gagawing pag-uusap ay umaasa siyang ang lahat ng kanilang napagkasunduan ay mapaÂtupad, upang mas maging mapayapa ang kanilang kilos protesta gayundin ang seguridad na ipapatupad nila sa gagawing SONA ng Pangulo.
May tatlo hanggang apat na libong pulis QCPD ang ipaÂpakalat sa mga lugar na pagdadausan ng SONA upang mangalaga sa seguridad.
Sabi ng heneral, inilatag nila ang dagdag puwersa hindi para labanan ang mga protesters kundi para paÂngaÂlagaan ang kaayusan at seguridad sa mga lugar.