MANILA, Philippines - Hindi na nakapasok sa trabaho ang isang 31-anyos na estibador nang mamatay matapos barilin ng kanyang pinsan na nag-abang sa kanya sa labas ng bahay, sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.
Dead on the spot ang biktimang si Ruel Gomba, resi dente ng Squatters Colony, Road 10, Vitas, Tondo, Maynila habang tumakas naman ang suspect na si Ivy Gomba, pinsan ng biktima, 24, vendor at residente rin ng nabanggit na lugar.
Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera ng Manila Police DisÂtrict-Homicide Section, dakong alas-5:00 ng umaga nang dumaan ang biktima at barilin sa tapat ng bahay ng suspect.
Naging ugat ng pagtatanim ng galit ng suspect ang naunang pag-aaway ng kani-kanilang misis.
Nagtalo umano ang kanilang mga misis dahil sa pagtatapon ng basura na nauwi sa pagsasakitan hanggang sa silang apat na ang magtalo-talo na naawat din at nagkaayos.
Hindi umano akalain na may binabalak pa ang suspect sa kabila ng ginawang pag-aayos-ayos na ang dalawang partido.