MANILA, Philippines - Sabog ang mukha ng isang parking attendant ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos na sapakin at pagtulungang bugbugin ng umano’y nagpakilalang mayor at mga bodyguards nito kamakalawa ng hapon sa Mabini St., Manila.
Ayon kay MTPB chief Carter Logica, dakong alas-3 ng hapon nang makasagutan ng kanyang tauhan na si Joseph Purisima ang isang lalaki na kalalabas lamang ng Prestige Salon and Barber shop sa Mabini St.
Bago nangyari ang pambubugbog, sinabi ni Purisima na dakong alas-6:30 ng umaga nang makita niyang nakaparada na ang sasakyang puting Starex (ZSZ-458) bago siya duÂmating sa kanyang puwesto. Dito ay tinanong niya ang isang lalaki kung magtatagal sa lugar. Sinabihan siya ng lalaki na sandali lamang sila.
Minabuti naman ni Purisima na sabihan na hindi muna sila titikitan sa loob ng 15 minuto. Subalit ang pagparada ng saÂsakyan ay tumagal hanggang alas-3 ng hapon. Dito na sinabihan ni Purisima ang lalaki na kailangan na nilang magbayad dahil magre-remit na ito.
Bigla namang lumabas ang nagpakilalang mayor at agad na sinapak si Purisima kung saan nakibugbog na rin ang tatlo umano nitong bodyguards. Nang makitang marami ang nakaÂtingin, mabilis na umalis ang hindi pa nakikilalang suspect.
Kaugnay nito, nakapagtataka na sa pagberipika sa Luneta PCP, iba ang plaka ng sasakyang ibinigay ng pulis sa ibinigay ng biktima. Plakang XKL-525 ang ibinigay ng pulis, samantalang ZSZ-458 ang sa bikitima.