Bagong NCRPO chief, itinalaga
MANILA, Philippines - Itinalaga na kahapon ang bagong director ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).
Sa isang turn-over cereÂmony na dinaluhan ni PNP Chief Director General Alan La Madrid Purisina sa Camp Bagong, Taguig City, itinalaga nito bilang bagong NCRPO director si Police Chief Supt. Marcelo P. Garbo Jr. Si Garbo ay naging regional director ng Region 7, Central Visayas.
Nabatid na si Garbo ay miyembro ng PMA Dimalupig Class 1981 at kilala itong drug buster sa PNP.
Si Garbo ay pumalit kay dating NCRPO Director GeÂneral Leonardo Espina, kung saan itinaas ang pwesto bilang Chief Directorial Staff.
Sa naging turn-over cereÂmony, pinasalamatan ni Espina ang lahat ng staff ng NCRPO na nakiisa sa kanyang layunin upang mapaayos ang sistema ng kapulisan lalo na sa pagresolba ng krimen sa Kalakhang Maynila.
- Latest