Bomb joke sa NAIA: Brgy. captain arestado

MANILA, Philippines - Hinuli ng mga Philippine National Police Aviation Group ang isang  barangay captain ng San Nicolas, Laguna matapos itong mag-bomb joke habang papasakay ng eroplano ng Airphil Express flight 2P 967 papuntang Butuan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, kahapon ng umaga.

Nagpakilalang barangay captain ang isang Bernabe E. Cuello Jr., 56, ng San Nicolas matapos itong magbiro at marinig ng security guard na nakatalaga sa may pinto ng eroplano na â€œWala ng tao sa baba, baka may maglagay ng bomba sa gulong”.

Dahil sa pananakot na ginawa ni Cuello pinababa ni Airphil Express pilot Capt. Richard­ Sorolla ang lahat ng sakay ng nasabing eroplano.

Sinabi ni PNP-ASG chief Inspector Flo­rencio Soriano kapag napatunayang nagkasala si Cuello ito ay maaring makulong ng hanggang 5 taon  at pagmumultahin ng P40,000.

Show comments