Bomb joke sa NAIA: Brgy. captain arestado
MANILA, Philippines - Hinuli ng mga Philippine National Police Aviation Group ang isang barangay captain ng San Nicolas, Laguna matapos itong mag-bomb joke habang papasakay ng eroplano ng Airphil Express flight 2P 967 papuntang Butuan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, kahapon ng umaga.
Nagpakilalang barangay captain ang isang Bernabe E. Cuello Jr., 56, ng San Nicolas matapos itong magbiro at marinig ng security guard na nakatalaga sa may pinto ng eroplano na “Wala ng tao sa baba, baka may maglagay ng bomba sa gulongâ€.
Dahil sa pananakot na ginawa ni Cuello pinababa ni Airphil Express pilot Capt. Richard Sorolla ang lahat ng sakay ng nasabing eroplano.
Sinabi ni PNP-ASG chief Inspector FloÂrencio Soriano kapag napatunayang nagkasala si Cuello ito ay maaring makulong ng hanggang 5 taon at pagmumultahin ng P40,000.
- Latest