MANILA, Philippines - Utas ang isang security guard nang hampasin sa ulo ng matigas na bagay nang rumesbak na ina ng lalaking ginulpi ng una, kamakalawa ng umaga sa Pasay City.
Nasawi sa loob ng San Juan de Dios Hospital dahil sa malaking sugat sa ulo ang biktimang si Rommel Cayaban, 35, ng St. Agustin St., cor. St. Mary St., Maricaban, Pasay.
Arestado naman at nahaharap sa kasong homicide ang suspek na si Lizela Diaz, 40, ng Block. 2 Lot 30 Rita St., Maricaban.
Sa ulat ng Pasay City Police, unang ginulpi umano ng guwardiyang si Cayaban at kabarkadang sina Michael Adviento, Dexter Cariaga, Rommel Cabalsi, Mark Anthony Padilla at Mark Jhun Rabanes, 35, ang anak ng suspek na si Mark Anthony Diaz.
Nabatid na nagselebra umano ng kaarawan ni Cabalsi nang palihim na pumasok sa bahay si Diaz. Nahuli nila ito at pinagguÂgulpi ng mga suspect dahil sa “trespassingâ€.
Nang makauwi, nagsumbong sa ina at mga kaanak si Diaz na rumesbak sa grupo ng sekyu. Dito pinaÂulanan ng bato at tear gas ng grupo ng suspek sina Cayaban. RumesÂponde naman sa lugar ang mga taÂuhan ng pulisya at mga tanod kaya lumabas ng bahay ang grupo ng biktima. Dito umano sinamantala ng suspek at inatake si Cayaban nang hampasin ng maÂtigas na bagay sa ulo.
Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang matandang Diaz habang isinugod sa pagamutan ang biktima kung saan ito nalaÂgutan ng hininga. Sa kuluÂngan, sinabi ni Diaz na nagtungo lamang sa bahay ng biktima ang kanyang anak upang magsanla umano ng singÂsing ngunit pinaggugulpi ng grupo ni Cayaban.