MANILA, Philippines - Patay ang isang Indian National matapos barilin ng riding-in-tandem suspect sa lungsod ng Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Nakilala ang nasawi na si Jagrup Singh, 48, neÂgosyante, residente ng PalÂmera Homes, Novaliches, sa lungsod.
Nangyari ang insidente sa Petron Gasoline Station na matatagpuan sa PaÂyatas road malapit sa Violago Homes, Brgy. Payatas ganap na alas-12:05 ng tanghali.
Ayon sa ulat, dumaan ang biktima sa gas station para pakargahan ang kanyang motorsiklo nang biglang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang mga suspect at saka pinagbabaril ang una. Matapos matiyak na patay na ang biktima ay mabilis nang nagsitakas ang mga suspect.
Ayon pa sa ulat, nagtamo si Singh ng isang tama ng bala sa kaliwang dibdib na agad na ikinamatay nito. Hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa krimen habang isinasagawa pa ang imbestigasyon ukol dito.