Pumaslang sa babaeng lider ng transport group, nalambat

MANILA, Philippines - Nalambat na ng tropa ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa tatlong suspect na pumaslang sa babaeng lider ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) matapos maispatang pagala-gala sa isang lugar sa lungsod, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang nadakip na suspect na si Genaro Teñoso Sr., alyas “Boy Saksak” na kabilang sa gun for hire syndicate na sangkot sa serye ng pamamaril sa lungsod.

Nabatid na si Teñoso ay itinuro na  kabilang sa grupo na sangkot  sa  pagpatay kay FEJODAP leader Cristina Venturina, 56, noong Hunyo 17, 2013  sa  panulukan ng EDSA at Oliveros Drive, Brgy. Apolonio Samson sa lungsod.

Bukod kay Teñoso, pinag­hahanap pa ng mga kasamahan nitong sina Frederico Cariño at isang alyas Pogi.

Nabatid pa sa rekord ng pulisya na si Teñoso ay isa rin sa dalawang suspect na responsable sa pagpaslang kay Art John Paul Arongat, estudyante ng Far Eastern University (FEU) noong April 1, 2013 sa may Sto. Domingo corner Atok St., Brgy. Sto Domingo sa lungsod.

 

Show comments