P1-B utang ng Muntinlupa sa LBP, GSIS

MANILA, Philippines - Ibinunyag ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi na uma­­abot sa P1 bilyon ang pagkakautang ng lungsod sa iba’t ibang ahensiya sa ilalim ng administrasyon ni dating alkalde­ na si Aldrin San Pedro.

Ayon kay Fresnedi ang nasabing halaga ay pagkaka­ utang hindi lamang sa Land Bank of the Philippines (LBP) kundi ma­ging sa Development Bank of the Philippines (DBP), Govern­ment Service Insurance System (GSIS), ter­minal pay ng mga kawani na hindi pa nababayaran, sa Expedition Construction­ Corporation at sa iba pang mga suppliers na aabot naman ang kabuuang halaga na nasa P154 million.

Sinabi ni Fresnedi, na bankrupt ang kaban ng pamahalaang lokal ng lungsod ng  Muntinlupa City dahil naging  masalimuot ang financial status nito. Dahil dito, kukuha ng ekspertong financial analyst at auditor ang bagong upong alkalde upang resolbahan ang problemang pana­nalapi ng pamahalaang lungsod.

Ayon pa sa pagsugpo sa katiwalian, ibangon mula pag­kaka-bankrupt ang pamahalaang local ng Muntinlupa at ibalik ang tiwala ng mga mamamayan, na ilan la­mang sa mga pangunahing layunin ng kasalukuyang admi­nis­trasyon­.

Show comments