MANILA, Philippines - Isa ang patay habang apat pa ang sugatan nang paulanan ng bala ng di kilaÂlang lalaki ang isa sa umpukan ng magkakapitbahay habang nagkukuwentuhan sa Tondo, Maynila, kamakaÂlawa ng gabi.
Sa Mary Jhonston naisugod ang biktimang si ErÂnesto Acul, ng 4-1 Int., 35 Perla St., Tondo, subalit binawian din ng buhay sanhi ng tama ng bala sa katawan habang ginagamot naman sa Jose Reyes Memorial MeÂÂdical Center (JRMMC) ang sugaÂtang si Reggie Alcover, 17, ng no. 401 Int., 35 Perla St., Tondo at sa Gat Andres Bonifacio Hospital naman ginagamot si Primo Zabala, 53, may-asawa, isang street sweeper ng Perla St., Tondo Manila sanhi ng tama ng stray bullet sa katawan.
Hindi na dinala pa sa pagamutan ang nadaplisan ng bala sa mukha na si Zenaida Bitores, 49, biyuda at Benny Bitores, 27
Wala pang pagkilanlan ang suspect na sakay ng itim na motorsiklo.
Sa ulat ni SPO2 Ramir Dimagila ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 7:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Perla at Quirino Sts., Tondo, Maynila.
Nabatid na habang nakiÂkipagkuwentuhan ang bikÂÂtima sa nasabing lugar ay tumigil ang suspect na sakay ng motorsiklo at maÂtapos ang maikling pag-uusap ay agad bumunot ng baril ang suspect at pinaputukan ang biktima.
Natamaan din ang nakatalikod na si Alcover na nasa tabi ng biktima at iba pang mga kapitbahay na nadamay ng stray bullet.
Nabatid na nahagip umano ng closed circuit teleÂvision (CCTV) na nakakabit sa lugar ang insidente kung saan makikitang nakausot ng kulay brown na bull cap at puting t-shirt ang suspect habang sa di kalayuan ay nakita rin ang isa pang lalaki na nakasakay ng isa pang motorsiklo na hinihinalang kasama ng suspect.