MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na pabor siya sa abolisyon ng Sangguniang Kabataan (SK).
Ayon kay Estrada, nagagamit na rin sa katiwalian at korupsyon ang mga SK na hindi dapat nangyayari.
Aniya, malaki na ang kaibahan ng mga SK ngayon sa SK noon dahil pawang paghahanda sa pagbibigay ng serbisyo sa kani-kanilang barangay ang layunin ng mga hinuhubog na mga kabataan noon.
Nagpahayag ng pagkadismaya si Estrada dahil tila inihahanda na lamang umano ng mga pulitiko ang mga SK na maging corrupt at hindi prayoridad ang pagtulong sa mga kabataan.
“Too young, yet so corrupt†ani Estrada.
Samantala maglalagay naman si Vice Mayor at traffic czar Isko Moreno ng tali sa bawat kanto ng tawiran upang magkaroon ng disiplina ang mga pedestrian na makatutulong ng malaki sa maayos na daloy ng trapiko.