^

Metro

Erap, pabor sa abolition ng SK

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na pabor siya sa abolisyon ng  Sangguniang Kabataan (SK).

Ayon kay Estrada, nagagamit na rin sa katiwalian at korupsyon ang  mga  SK na  hindi dapat nangyayari.

Aniya, malaki na ang kaibahan ng mga SK ngayon sa SK noon dahil pawang paghahanda sa pagbibigay ng serbisyo sa kani-kanilang barangay ang  layunin ng mga  hinuhubog na mga kabataan noon.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Estrada dahil tila inihahanda na lamang umano ng mga pulitiko ang mga SK na maging corrupt at hindi prayoridad ang  pagtulong sa mga kabataan.

“Too young, yet so corrupt” ani Estrada.

Samantala maglalagay naman si Vice Mayor  at traffic czar Isko Moreno ng tali  sa bawat kanto ng tawiran upang magkaroon ng disiplina ang mga pedestrian na makatutulong ng malaki sa maayos na daloy ng trapiko.

ANIYA

AYON

ISKO MORENO

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

NAGPAHAYAG

SAMANTALA

SANGGUNIANG KABATAAN

VICE MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with