Kelot natagpuang tadtad ng saksak sa hotel

MANILA, Philippines - Isang 47-anyos na lalaki ang natagpuang tadtad ng tama ng saksak sa buong katawan sa loob ng isang hotel sa lungsod Quezon ka­makalawa.

Ayon kay Supt. Pedro San­ chez, hepe ng Police Station 2 ng Quezon City Police District, ang biktimang si Mike Tengco, 47 ay nadiskubre na lamang walang buhay habang nakahandusay at naliligo sa sarili nitong dugo ng room attendant ng SOGO hotel,

Alas-9:30 ng gabi nang matagpuan ang biktima sa may room 625 ng hotel­ makaraang puntahan ito ng room attendant na si Johnrick Guevarra. Ang SOGO hotel ay matatagpuan sa may no. 937 Edsa, Brgy. Phila-am, sa lungsod.

Diumano, maglilinis sana si Guevarra sa kuwarto ng biktima nang maka-amoy ito ng mabaho na nanggagaling sa loob nito.

Agad na ipinabatid ni Guevarra sa kanilang supervisor na si Arnel Catan ang naamoy at binuksan ang kuwarto kung saan tumambad sa kanila ang walang buhay na katawan ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, may narekober sa loob ng kuwarto na isang patalim na may habang limang pulgada, gayundin ang isang identification card nito.

Base sa cursory exami­nation na ginawa ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang biktima ay nag­tamo ng mga tama ng sak­sak sa kanyang dibdib.

Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad sa nasa­bing insidente upang mabatid kung ang biktima ay sadyang nagpakamatay o pinatay.

Show comments