^

Metro

PWDs sa Navotas, binigyang ayuda

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinasa kahapon ang unang Persons with Dis­ability (PWD) Assembly ngayong taon ng Navotas City Social Welfare and Development Office sa ilalim ng direktiba ni Mayor John Rey Tiangco bilang pakikiisa sa sele­brasyon ng National Disability Pre­vention and Rehabilitation Week sa darating na ikatlong linggo ng Hulyo.

 Ayon sa Punong Lungsod, layunin ng nasabing akti­bidad na bigyan ng kaalaman ang PWDs sa Navotas tungkol sa kanilang karapatan at be­nepisyo  mula sa lokal at nas­yonal na pamahalaan tulad ng nakasaad sa Republic Act 9442, ‘An Act Amending Republic Act No. 7277, other­wise known as the  â€œMagna Carta for Disabled Persons, and for Other Purposes,” for the Provision of Medical and related Discounts and Special Privileges.’

 â€œLayunin din ng nasabing aktibidad na bigyan ng parehong oportunidad ang mga Navoteño na may kapansanan o disabilidad tulad ng ibang residente sa tulong ng Navotas Hanapbuhay Center na ating itinatag para magbigay ng libreng skills training, seminar at tulong puhunan sa mga nais magkaroon ng trabaho at mapagkakakitaan,” dagdag pa ni Mayor Tiangco.

Mahigit kumulang 150 PWDS mula sa Brgy.  Tangos at San Roque ang nakasama sa nasabing assembly at orientation ukol sa mga benepisyong makukuha nila sa nasabing livelihood center. Ipinamigay din sa nasabing aktibidad ang kanilang identification card at discount booklet na magagamit nila upang makakuha ng 20% discount sa mga drug stores, laboratories, restaurants, recreation centers at iba pa.

AN ACT AMENDING REPUBLIC ACT NO

DISABLED PERSONS

DISCOUNTS AND SPECIAL PRIVILEGES

MAGNA CARTA

MAYOR JOHN REY TIANGCO

MAYOR TIANGCO

NATIONAL DISABILITY PRE

NAVOTAS CITY SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE

NAVOTAS HANAPBUHAY CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with