^

Metro

Gumagawa ng pekeng NAPOLCOM Entrance Exam, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaaring makapag-produce ng mga pekeng pulis kung hindi masasawata ang tulad ng isang 32-anyos na lalaking­ responsable sa paggawa ng mga pekeng National Police Commission (Napolcom) examination, rating at iba pang pekeng dokumento  na naaresto sa isang entrapment operation sa Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila kahapon ng umaga.

Sa mismong harapan ng kanyang stall dinakip ang suspect na si Robert Estanol, ng C.M. Recto Ave., Sta. Cruz, Maynila, dakong alas-10:30 ng  umaga.

Sa ulat ni P/Insp. Consorcio Pangilinan, hepe ng MPD-Counter Intelligence and Security Branch (CISB-DID/D2), isinagawa ang operasyon bunsod ng kautusang ibinaba ni NAPOLCOM-NCR  Regional Director Yolanda Lira,  hinggil sa mga pekeng NAPOLCOM Entrance Examination.

Una umanong nagsagawa ng surveillance ang MPD kasama ang mga tauhan ng NAPOLCOM subalit bigo silang mapalutang ang suspect hanggang sa muling isagawa ang operasyon kung saan nagpanggap ang tauhan ng MPD-CISB na si PO2 Aaron Quiling na magpapagawa ng NAPOLCOM document.

Nagpagawa si Quiling sa halagang P600 para sa na­sabing dokumento at sa loob lamang ng apat na oras ay nakuha na niya ito. Nang bayaran na ay saka inaresto  ang suspect.

Nakuha sa suspek ang mga pekeng dokumento ka­bilang ang NAPOLCOM Report Rating, NAPOLCOM Certi­fication, PNP Entrance Report Rating at P600 na ginamit sa entrapment. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban dito.

vuukle comment

AARON QUILING

CONSORCIO PANGILINAN

COUNTER INTELLIGENCE AND SECURITY BRANCH

CRUZ

ENTRANCE EXAMINATION

ENTRANCE REPORT RATING

MAYNILA

NAPOLCOM

NATIONAL POLICE COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with