MANILA, Philippines - Makaraan ang 34 araw na pagkaratay sa intensive care unit ng St. Lukes Medical Center, tuluyang bumigay ang katawan at pumanaw na kahapon ng madaling-araw ang 63-anyos na tenant sa sumaÂbog na condominium unit ng Two Serendra sa Global City, Taguig City.
Kinumpirma ni Atty. RayÂmond Fortun, ang pagÂkaÂÂsawi ng kanyang kliÂyenteng si Angelito San Juan dakong alas-12:20 ng madaling-araw dahil sa cardio pulmonary arrest at multiple organ failure. Napag-alaman na pumirma ang nakatatandang kapatid ni Angelito na si Ruben sa waiver na hindi na ito ire-revive kapag inatake sa puso makaraang sabihan ng mga manggaÂgamot na hindi na ito tatagal dahil sa 85% ng katawan nito ang nasunog.
Mag-isa lamang umano sa ICU si San Juan nang malagutan ng hininga. Agad namang nagtungo sa pagaÂmutan ang kapatid ni San Juan na si Ruben upang asikasuhin ang burol nito. Nabatid na hindi na nahingan ng testimonya si San Juan bago pa man ito pumanaw.
Hinihiling na lamang umano ng pamilya ni San Juan na matapos na ang imbestigasyon na isinasagawa ng binuong “Inter-Agency Task Force†upang magkaroon na ng pagsaÂsara ang naturang isyu. Sinabi ni Fortun na kung anumang legal na hakbang ang kanilang isasagawa ay depende sa ilalabas na resulta ng mga imbestigador.
Nabatid na dumating sa Pilipinas si San Juan, isang senior date architect sa Estados Unidos, noong madaling-araw ng Mayo 31 upang dumalo sa isang kasal at nakituloy sa Unit 501 sa Two Serendra na pag-aari ng kaibigan na si Marian Cayton Castillo. Bago ang pagsabog, una nang nagreklamo na hindi makahinga si San Juan sa loob ng unit.
Si San Juan ang pang-apat na nasawi sa naganap na pagsabog. Unang naÂsawi makaraang mabagsakan ng malalaking debris sina Salinar Natividad, 41; Jeffrey Umali, 33; at Marlon Badiola, 29, pawang mga empleyado ng Abensons appliances.
Sinabi naman ni Fortun na sinagot ng Ayala Land Inc. (ALI), ang developer ng Two Serendra, ang hospital bill ni San Juan ngunit hindi man lang umano nagÂtungo ang kahit sinong kinaÂtawan nito sa pagamutan mula nang maganap ang pagsabog.