Dahil sa malakas na ulan panghapong klase sa Caloocan, sinuspinde

MANILA, Philippines - Sinuspinde kahapon ni Caloocan City Mayor Oscar Ma­lapitan ang mga panghapong klase sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan sa nasabing lungsod dahil sa malakas na pag-ulan.

Ayon kay Malapitan, mahirap aniya na  baka tumaas ang baha sa mga paaralan  at mahirapang makauwi ang mga estudyante sakaling mag­patuloy ang buhos ng ulan.

Sa mga pribadong eskuwelahan ay hinayaan ng bagong upong alkalde ang desisyon kung sususpindihin din ang mga klase dito.

Alas-10:00 ng umaga nang magpasiyang magsuspindi ng klase si Malapitan.

 

Show comments