^

Metro

8 parking attendant arestado, sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walong parking attendant mula sa ikalimang distrito ng  Maynila ang dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Manila­ Police District at Office of the Vice Mayor kahapon ng umaga­.

Pansamantala munang hindi ibinunyag ang mga pa­ngalan ng walong dinakip kasabay ng  isasagawang imbestigasyon ng  pulisya subalit ang mga ito ay nagtatrabaho sa kompanyang  Togawa.

Ayon kay Manila Vice Mayor Isko Moreno,  may natanggap na silang  reklamo hinggil sa umano’y pangongolekta ng  parking fee sa  tourist  belt area kung  kaya’t agad silang nagsagawa ng operasyon laban  dito.

Aniya, ang pangongolekta ng parking fee gamit ang isang  kompanya ay pinahihintulutan lamang sa Binondo area batay sa isang agreement.

Sinabi naman ng isa sa mga hinuli na nirecruit sila ng isang barangay chairman at hindi umano nila alam na ilegal­ ang kanilang pangongolekta ng parking fee gamit ang isang  kompanya sa lugar ng Malate area.

Samantala, sinibak sa puwesto ni Manila Mayor Joseph Estrada ang  hepe ng  MPD Station 11 na si Supt. Alex Na­varrete­­ dahil na rin  sa masikip na daloy ng trapiko at paglipana ng vendors na umano’y kinokolektahan ng mga pulis ng  halagang P150,000 para makapuwesto. Pinalitan ito ni Supt. Edgardo Doromal.

ALEX NA

ANIYA

EDGARDO DOROMAL

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

OFFICE OF THE VICE MAYOR

POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with