MANILA, Philippines - Pormal nang sinampahan ng kasong indirect assault, obstruction at illegal assembly ang mga lider at miyembro ng grupong KaÂdamay matapos ang bayolenteng barikada na naganap sa Agham road na ikinasugat ng limang tauhan ng pulisya.
Kabilang sa mga kinaÂsuhan sa Quezon City ProÂseÂcutors Office ay sina EsÂtrelita “Ka Inday†Bagasbas, Carlito Badion, Arnulfo Anoos, Josephine Lopez at iba pang miyembro ng gruÂpong Kadamay.
Binigyang diin ni QCPD Chief Richard Albano, minaÂbuti nilang kasuhan na ang mga nabanggit dahil sa bukod sa kanila ay hindi rin sinunod ng mga militante ang mga tauhan ng Commission on Human Rights (CHR) na nakiusap na tanggalin ang barikadang inilagay ng mga ito sa kahabaan ng Agham Road.
Bunga anya sa pag-isÂnab ng mga militante sa CHR ay sumiklab ang bakbakan at nasaktan ang mga pulis na sina PO3 Rodolfo SaÂbucor, PO2s Ruel Larobis, Ricky Gacelo at sina PO1s Larry Christ Taguiling at Nagal Kares.