Chop-chop victim, natagpuan

MANILA, Philippines - Natagpuan ang naaagnas na putul-putol na katawan ng isang lalaki, kamakalawa sa Caloocan City.

Ayon sa report ng Caloocan City Police, dakong alas-3:00 ng hapon nang makita ni Rodel Libarato ang parte ng hita ng biktima sa madamong bahagi sa Anahaw St., Amparo Subdivision, ng naturang lungsod na na­ging dahilan upang ipag­bigay-alam  sa mga pulis.

Nang respondehan ay na­pansin ng mga pulis na may mga hukay sa nasabing damuhan na naging dahilan upang hukayin ito hanggang sa makuha ang ulo at ang iba pang parte ng katawan ng biktima.

Hindi rin nabuo ang parte ng katawan ng biktima na hinihinalang inilibing sa nasabing lugar. Iniimbestigahan pa ng Caloocan City Police kung sino ang biktima.

Show comments